KATULAD ng ating natalakay sa nakaraang artikulo, bawa’t bahagi ng inyong bahay ay may impluwensya sa iyong kakayahang mapalago ang inyong yaman.
Ang sumusunod na listahan ay lalo pang magbibigay ng paliwanag hinggil sa kahalagahan ng bawa’t isa at magbibigay sa inyo ng mga ideya kung anong mga bagay ang dapat gamitin sa bawa’t bahagi ng inyong bahay.
*East – Maglagay ng moving water feature upang makatulong sa pagpapasimula ng money-making projects. Maglagay ng makintab na barya (coin) sa tubig sa pagsisimula ng araw kung napasimulan mo na ang proyekto.
*South-east – Maglagay ng bowl ng sariwang bulaklak sa ibabaw ng largest bank note ng inyong currency upang makakuha ng mga bagong ideya para sa iyong pag-unlad sa hinaharap. Palitan ng bulaklak ang bowl sa tuwing iyong pagbangon sa umaga.
*South – Magsabit ng mga larawan ng mga bagay na makahihikayat sa iyo sa pagkita ng marami pang pera. Ang mga imaheng ito ay dapat na inspirational at dapat magtutuon sa iyo sa pagharap sa kinabukasan.
*South-west – Gumamit ng clay pot upang makatulong sa pagdedetalye ng iyong savings account, o kaya’y magtanim ng yellow flowering plant sa clay container upang mapalakas pa ang enerhiya sa direksyong ito.
*West – Maglagay ng makintab na coin sa pulang tela upang mapataas ang chi na ito, upang maging mas madali ang paggawa ng pera. Makatutulong din ito na maging masaya at mag-enjoy sa paggawa ng pera.
*North-west – Ilagay sa lugar na ito ng inyong bahay ang inyong financial information, kung nais mong maging seryoso sa pagharap sa iyong pananalapi. Mainam din ang lugar na ito sa pag-unawa sa kahalagahan ng pera.
*North – Magsabit ng maliit, bilog na multi-faceted crystal sa bahaging ito ng inyong bahay upang mapataas ang chi na may kaugnayan sa iyong cashflow.
*North-east – Ito ang chi para sa mabilis na pagdedesisyon. Kung nais mo pang magsapalaran at maglaro sa stock market, dagdagan ang chi na ito sa pamamagitan ng paglalagay rito ng iyong share certificates, kasama ng large rock (white crystal is best).
ni Lady Choi