Monday , December 23 2024

2 karpintero ni Pacman tigbak sa bangga ng dump truck

GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay kamakalawa ng gabi sa pagamutan ang pangalawang biktima sa pagbangga ng traysikad sa isang dumptruck.

Ito’y bunsod nang malaking sugat sa ulo ng biktimang si Sonny Alaba, 34-anyos.

Kung maaalala, nabundol ng dumptruck ang traysikad na sinasakyan ng anim na panday o karpintero ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao, nang magkasalubong sa 4 lanes sa Baluan, Sarangani Highway kamakalawa.

Agad binawian sa insidente si Cristopher Amarillo, 51, driver, habang sugatan ang mga kasamang sina Jeje Man-ao, 24; Mon Enel, 20; Johnen Ele, 50; at Trog Pusan, 22, pawang mga residente ng Baybay. Kawas, Alabel Sarangani Province.

Ayon kay Balu-an Kapitan Arman Diamante, makaraang sumalpok ang truck sa traysikad ay binangga at nawasak din nito ang nakaparadang kuliglig ngunit masuwerteng hindi na umabot sa nakahilerang mga balot vendor.

Nalaman na ang nasabing mga biktima ay mga panday ng Filipino ring icon sa pangatlo nitong mansiyon sa Lagao sa Lungsod ng Heneral Santos.

Agad ikinostudiya ng Traffic Management Unit ang driver ng kuliglig na si Romy Sausa at ang dumptruck driver na si Junie Mongkil para maimbestigahan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *