Monday , December 23 2024

Imbentor ng salt powered lamp suportahan (Panawagan ni Marcos)

NANAWAGAN sa gobyerno si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na bigyan nang karampatang suporta ang grupo ni Engr. Aisa Mijeno para sa mass production ng kanilang imbensiyong LED lamp na pinapailaw gamit ang tubig-alat.

Nakalulungkot, ayon sa senador, na wala pa tayong nakikitang tulong mula sa gobyerno sa imbensiyon na kinilala mismo nina US President Barack Obama, at Chinese billionaire Jack Ma, executive founder at chairman ng Alibaba.

Si Mijeno, CEO ng SALt (Sustainable Alternative Lighting) ay nakasama nina Obama at Ma sa APEC CEO Summit at nagkaroon nang talakayan makaraan ang talumpati ni Obama tungkol sa climate change.

“Nakilala na sa maraming bansa at nakatanggap na ng maraming award ang imbensyon na ito pero bakit hanggang ngayon ay parang wala pa tayong nakikitang ginagawa ang gobyerno para maibenta na sa merkado ang produktong ito na galing sa Filipino?” ani Marcos.

Ayon sa mga imbentor, ang LED lamp ay kayang magbigay ng ilaw nang hanggang 8 oras gamit lamang ang tubig na hinaluan ng dalawang kutsarang asin, o kaya ay tubig dagat.

Maganda ang imbensyon, ayon kay Marcos dahil hindi lamang ito pwedeng magbigay ng ilaw sa maraming lugar sa bansa na wala pa ring koryente kundi pwede rin magbigay ng trabaho sa marami nating kababayan kung dito gagawin ang produksyon nito.

Marapat lamang aniya na gumawa na ng hakbang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na makipag-ugnayan kina Mijeno upang mabigyan sila ng ayuda alinsunod sa RA 7459 o ang Investors and Invention Incentives Act.

 

 

 

 

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *