Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puwede pang mag-anak, kailangan lamang mag-ingat

010915 pokwang
Diretsong tinanong namin si Powkie kung pwede pa siyang magbuntis. Aniya, puwede pa raw siyang magka-baby. Kailangan lang daw ingatan dahil sa edad niya. ”Pwede pa hanggang 5 years,” sagot nito sa amin.

Excited ang comedienne na ma-meet na ang parents ng boyfriend niya. ”Siyempre excited kahit hindi ko pa nami-meet ang parents ni Lee. ‘Yun ang nakae-excite, first time naming magmi-meet. First time akong magkaka-biyenan. Tinatanong ko na siya kung ano ang paboritong pagkain ng parents niya at anong lugar ang gusto nilang puntahan?”

Ikinuwento ni Pokwang na proud siyang ikinukuwento sa parents ni Lee.”Nagdarasal sila na sana maging masaya kami ng anak nila. Naririnig ko ang usapan nila dahil naka-loud speaker noong nag-uusap sila. Mukha namang mabait ang magulang ni Lee. Grabe silang magmahalan  kasi nag-iisa lang siyang anak kaya ganoon sila ka- close ng family,” pahayag ng magaling na comedianne.

Para kay Pokwang, wala siyang dream wedding. Ang importante raw ‘yung tunay ang pagmamahal ni Lee sa kanya at handa itong pakasalan siya kahit saan mang simbahan. ”Walang dream-dream wedding na… Sabi ko nga, kahit sa karinderia lang basta masaya kami, okay sa akin basta natupad ang pangarap ko ‘yun,” turan pa niya.

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …