Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biguin ang private army ng mga politiko

EDITORIAL logoKAPAG dumarating ang panahon ng eleksiyon, isa sa mga problemang madalas na kinakaharap ng taumbayan ang malaganap na private army  na ikinakanlong ng mga tiwaling politiko.

Ang problema sa private army ay hi-git na malubha kung ikokompara sa problema ng vote buying at iba pang anyo ng pandaraya ng mga politiko sa araw mismo ng halalan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, sa mga liblib na mga lalawigan, ang mga private army ay malaganap pa rin na pinatatakbo ng mga maimpluwensiya at traditional politicians.

Hindi biro ang problema sa private army o private armed groups. Sila ang gumagawa ng mga pananakot , intimidasyon at kung minsan ay pagpatay sa mga botante na hindi sumusuporta sa mga politikong kanilang pinagsisilbihan.   

Armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga private army na ibinibigay ng mga tiwaling politiko na ayaw magpatalo kapag dumarating ang araw ng halalan.

Isang malaking pagsubok sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP)  at  Armed Forces of the Philippines (AFP) kung papaano lalansagin ang mga private army na kasalukuyang minaman-tina ng mga makapangyarihang politiko sa mga lalalwigan.

Magiging matagumpay ang darating na 2016 elections kung magtulong-tulong ang lahat ng mga kinauukulan tulad ng civil society, media organizations, netizens at elections watch dog para biguin ang mga politikong nagmamantina ng kani-kanilang private armed groups.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …