Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nahihibang si Win Gatchalian

EDITORIAL logoSAYANG lang ang pagod, pera at panahon kung ipagpipilitan ni Rep. Win Gatchalian ang kanyang planong pagtakbo bilang senador sa 2016 elections.  Kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo, hindi mananalong senador si Win.

At kahit araw-arawin pa ni Win ang kanyang mga tv at radio advertisement, hindi pa rin tataas ang kanyang rating sa mga survey na gagawin.  Malamang na kulelat pa rin si Win sa mga makakalaban  niyang kandidatong senador.

Kung sa Valenzuela City siguro ang senatorial elections, na balwarte ng pamilya Gatchalian, aba’y tiyak na number one si Win. Pero hindi nga mangyayari ito dahil ang senatorial race ay gagawin sa buong Filipinas at hindi kilalala si Win sa Visayas at Mindanao.  

Nagawa na niyang dumikit kay Vice President Jojo Binay pero walang nangyari, at ngayon naman  si Sen. Grace Poe ang kanyang dinidikitan at nagbabakasa-ling  maanggihan siya ng popularidad nito. Ano ka nahihibang?

Sorry, pero wala talagang dating si Win.  Hindi napapansin ang kanyang pre-sence kahit saan siya magpunta, at hindi rin tumatatak sa isipan ng tao ang kanyang mga interview maging sa tv man o sa radio. Parang taong tuod, daraanan mo lang at hindi ito mapapansin.

Teka nga, sino ba naman kasi ang  nambuyo kay Win na tumakbo sa Senado?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …