TINULUNGAN ng dalawang mangingisda ang isang balyena na anila’y parang humihingi ng saklolo, at ngayon ay ipinakita ang “amazing selfie” sa kabayanihang kanilang ginawa.
Ang nasabing balyena ay lumangoy patungo sa dalawang bangka sa Killarney Point sa Australia, ayon sa Daily Telegraph.
Ipinaliwanag ni Ron Kovacs, lulan ng bangka, ang nangyari sa kanyang Facebook post.
“He had some fishing line and two plastic bags on his head,” ayon kay Kovacs. “I managed to grab at it but missed. He later came up to a trailer boat and presented his head as they [removed] the bag and to another the fishing line. It was as if he wanted for them to take it off.”
Si Michael Riggio, lulan ng isa pang bangka, ay nakapag-selfie habang ang kanyang kaibigan na si Ivan Iskenderian ay inaalis ang plastic bags sa ulo ng balyena.
“It was right on his lip … he seemed like he wanted it off,” ayon kay Iskenderian sa Telegraph. ”It was surreal, we couldn’t believe our eyes.”
Sabi pa ni Iskenderian, nang maalis ang basura, nagpagpag ng tubig ang balyena mula sa kanyang palikpik na wari ay nagpapasalamat sa kanila.
(THE HUFFINGTON POST)