MAGSAGAWA ng initial research sa internet upang mabatid ang mga lokasyon na dating tinirahan ng mga taong nais mong gayahin ang naging kapalaran.
Pagkaraa’y tingnan kung ang mga lokasyong ito’y tugma sa mga lugar na kung saan mo nais na manirahan. Mas mainam kung itutuon mo ang iyong pagsasaliksik sa mga taong nabubuhay pa.
Kapag nakapili ka na ng lokasyon, tingnan ang kasaysayan nito. Maaari mo itong makita sa mga aklat o pamphlets na nagbibigay ng diskripsyon ng iba’t ibang uri ng mga aktibidad na nangyari roon sa nakaraang mga siglo. Mababatid mo rin dito kung ito ay ascendant or declining phase.
Bisitahin ang lugar upang mabatid kung ito ay may uri ng atmosphere na sa iyong pakiramdam ay makasusuporta sa iyo. Manatili ng ilang oras sa lokasyon, pumasok sa iba’t ibang cafés at public buildings upang masagap ang local chi.
Kausapin ang ilang residente roon, sa mga profession na iyong napipisil, at suriin kung sila’y umunlad sa nasabing lokasyon.
ni Lady Choi