Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, feel daw magpakalbo!

072915 daniel padilla
SOBRANG natutuwa ngayon at masayang-masaya siDaniel Padilla dahil siya ang endorser ng Bench Hair Fix,

“Hindi pa ako artsita noon ay mga produktong Bench na ang ginagamit ko. Ngayon, sobrang natuwa ako dahil endorser na ako ito,” panimula ng binata.

Hilig pala ng teen-ager ang palaging pabago-bago ng hair style. ”Gusto ko talaga na laging bago lang. May sarili akong hair cutter na talagang sobra ang pag-aalaga ng buhok ko. Kung may nagugustuhan akong bagong style, ginagawa niya agad. Siya lang talaga ang nag-aalaga sa buhok ko.”

Inamin din nito na hindi pa siya nagpakulay ng buhok pero may bagong ‘twist’ sa kanyang sarili dahil may balak pala itong magpakalbo para sa isang pelikula. ”Hindi naman kailangan sa magiging karakter ko ang magpakalbo pero gusto ko lang magpakalbo. May style din naman sa pagpapakalbo. Kalbo ako pero puwede pa ring i-style ang buhok, abangan na lang ninyo. Siguro after ‘Pangako Sa ‘Yo,” tsika nito.

Popularidad, ‘di naaapektuhan kahit maraming intriga

Noong Sabado, pinatunayan ng aktor sa mga detractor na kahit maraming intriga ang ipinupukol sa kanya ay hindi pa rin naaapektuahan ang kanyang popularidad. Bagkus, filled to the rafters ‘ika nga, ang Trinoma Activity Center noong nag-promote siya ng ini-endosong produkto.

Simple lang ang aktor sa kanyang pananamit ng oras na iyon. Naka-puting Bench T-shirt at may suot na gold bracelet na ayon sa kanya ay bigay ng kanyang MommyKarla. ”Sabi nga ng mommy ko, isuot ko ‘yun para malaman ng tao na may pera ako,” tsika nito na nauwi sa tawanan.

Speaking of Karla, ito ang humahawak ng kita ng aktor. Aniya, magaling humawak ang kanyang ina ng mga kinikita niya sa pag-aartista. ”Ako naman, hindi ako magastos eh, pero kung gusto kong mag-shopping, isang bagsakan lang. Hindi naman ako masyadong namimili ng gamit pero kung may kailangan ako, kailagan kong bilhin siyempre, pinagtatrabahuhan ko naman.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …