NAGSULPUTAN ang mga bulaklak sa mga gusali, negosyo at balcony sa Norwegian capital ng Oslo, bilang bahagi ng hakbang na layuning maging madali ang buhay para sa mga honey bee.
Nasa proseso na rin ang Oslo sa pag-develop ng “bee highway” para sa pollinating insects, upang magkaroon sila ng ligtas na landas sa lungsod na maaari nilang pagkunan ng pagkain, mapahihingahan at matutuluyan.
Ang programa ay pinangungunahan ng Bybi, isang environmental group na sumusuporta sa urban bee populations, at humihiling ng pondo mula sa local companies.
Ilan sa mga kompanyang ito ang nagkaloob na ng bagong tahanan para sa bagong bee populations, kabilang sa rooftops at terraces na nilagyan ng hives at pollen-producing plants. (www.theverge.com)