Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang Indian-born player sa NBA

 

06252015_NBA_DRAFT_WESTCOTT_0011028

TUNAY na sa paglipas ng panahon ay lumalago at nagpapalawig ang NBA bilang pangunahing liga sa mundo, kasama na ang pagbibigay-interes at pagkuha ng mga basketbolistang may kakaibang talent mula sa alin mang panig ng daigdig.

Kamakailan, isang bagong milestone ang naitala nang piliin ng Dallas Mavericks ang 7-talampakan-2 pulgadang sentro na isinilang sa India sa 52nd pick ng 2015 NBA draft.

Si Satnam Singh ang kauna-unahang Indian-born player na napili sa draft, kasunod sa yapak ni 7-5 Sacramento Kings center Sim Bhullar, na hinirang bilang kauna-unahang player na Indian descent para maglaro sa liga noong nakaraang Abril.

Isinilang si Singh, 18, sa maliit na barrio sa Indian province ng Punjab at na-punta siya sa America noong 2010 para mag-aral ng high school at magsa-nay sa IMG Academy sa Bradenton, Florida. Plinano niyang maglaro ng basketball sa kolehiyo ngunit hindi niya nagawa dahil na rin sa mga agam-agam ng mga opisyal ng eskuwelahang dinaluhan niya ukol sa pagkuwalipika niya sa akademiya.

Hindi pa nga lang malinaw kung saan papasok si Singh sa kinabukasan ng Mavericks. Habang siya’y ‘very, very raw’ kamangha-mangha ang kanyang outside shot. Bukod dito, hindi tulad ng karamihan ng mga matatangkad na prospect, may adult na katawan na si Singh sa timbang niyang 290 libra. Gayon pa man, inihayag na rin na maglalaro ang 19-anyos para sa Texas Legends, D-League affiliate ng Dallas.

Hindi rin naka-gugulat na makitaan ng Mavericks si Singh ng potensyal para sa long-term na proyekto—isang posibleng manlalaro na kayang paunlarin ang kanyang husay at kalaunan ay malaki ang maitutulong sa kanyang koponan.

Ano man kung makapasok nga si Singh sa NBA, ang marating niya ang ki-naroroonan sa ngayon ay isang bagay na rin na dapat bigyang-pansin.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …