“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. “ Mateo 6: 19-21
Lahat marahil tayo ay naghahangad na yumaman. Kahit iba-iba ang ating mga pa-ngarap at hinahangad, ang pagyaman ang nakikita nating paraan upang matupad ang lahat ng mga ito. Pansinin ninyo na lang kapag malaki na ang jackpot sa lotto. Tiyak napakahaba ng pila sa mga tayaan. Marami ang nagbabakasakali na manalo at maging instant na milyonaryo. Akala ng marami na ito ang magbibigay sa kanila ng kaligayahan. Marami sa mga nananalo ay sandali lang inubos ang kanilang panalo at bumalik sa kawalan.
Kahit ang karamihan sa mga pulitiko ay nakakagawa ng sari-saring katiwalian sa pag-hahangad na magkamal ng maraming pera at manatili sa puwesto at kapangyarihan. Hindi nila alintana na kapag nahuli ay bilangguan ang hahantungan. Ang mga negosyante naman ay idinudulot ang malaking bahagi ng kanilang oras sa kanilang negosyo upang umunlad at magpalaki ng kayamanan. Malungkot lang na madalas ito ang nagiging sanhi ng kawalan ng oras sa pamilya at kasi-raan ng kanilang relasyon.
Sa bandang huli na lang napapagtanto na panandalian lamang ang kasiyahan sa pera o yaman. Sa pera, walang tunay na kaligayahan dahil parang walang katapusan ang pagha-hangad na paramihin nang paramihin ang kayamanan. At kahit gaano na kayaman, parang lagi na lang may kulang pa sa buhay. Ang mahirap pa nito, sa isang iglap ay maa-aring mawala ang lahat. May mga nagpapakamatay pa nga dahil dito.
Hindi masamang magpayaman ngunit kung tayo ay magiging gahaman, makasarili lamang at walang pakialam sa kapwa at sa batas ng Diyos at tao, ito ay nagiging imoral. Sa Salita ng Diyos, inaatasan tayo na mag-impok ng kayamanan sa langit imbes na sa lupa. Ito ang kayamanang hindi nawawala at nagdudulot ng kaligayahang walang hanggan. Paano nakakamit ang ganitong kayamanan? Sundin ang mg utos at kagustuhan ng Diyos. Mahalin at magbahagi sa iyong kapwa. Kung nasaan daw ang iyong kayamanan, nandoon din ang iyong puso. Kapatid, nasaan ngayon ang iyong puso?
(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)
ni Divina Lumina