KUNG posible, ipwesto nang may distansiya ang transformer: ilang equipment (katulad ng laptop computer) ang may remote transformer, kaya maaari mong ilayo mula sa iyo, bagama’t ang iba pang equipment ay kaya mong abutin.
Ayusin ang workplace upang ang equipment na naglalabas ng EMF ay nakalayo sa iyo hangga’t maaari.
Ikaw ay nasa higit na panganib kapag tulog, kaya makabubuting ayusin ang bedroom upang mabawasan ang iyong pagkalantad sa EMF.
Ipwesto hangga’t maaari ang electric alarm clock, televisions at radios nang malayo mula sa iyong kama o higaan.
Ilayo kung posible ang mobile at cordless phones, dahil ang paggamit dito ay may kaugnayan sa brain tumors, memory loss, depression at kawalan ng konsentrasyon. Gumamit ng traditional land line sa bahay.
Halamang nakababawas ng EMF
Ayon sa pagsasaliksik, nakatutulong ang halaman upang mabawasan ang masamang epekto ng EMF. Nagsagawa ang Institut Des Rescherches en Geobiologie sa Chadonne, Switzerland, ng dalawang taon research program sa mga tanggapan sa New York’s Wall Street, upang masuri ang epekto ng paglalagay ng halaman malapit sa computer terminals.
Ang pinaka-epektibong halaman ay ang Cereus peruvianuf (isang uri ng cactus, 40 cm/16 inches high) na nagpabawas ng insidente ng sakit ng ulo at pagkahapo sa mga empleyadong malapit sa kanilang mga computer. Sa iba pang mga imbestigasyon, natuklasang may kaparehong properties ang peace lily at spider plants sa nasabing halaman.
Ang paglalagay ng halaman malapit sa iyong computer ay nakababawas sa iyong pagkalantad sa EMF.
ni Lady Choi