Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paninindigan ng ALAM sa paggigipit kay Christine Herrera

EDITORIAL logoNANINIWALA ang Alab ng Mamamahayag (ALAM) na ang tangkang i-cite for contempt ang batikang journalist na si Christine Herrera ng The Standard ay tahasang paglabag sa malayang pamamahayag.

Isang uri ng pananakot ang ginawa ni Rep. Elpidio Barzaga kay Herrera upang pilitin ihayag ang kanyang source o impormante na nagsabing tumanggap ng suhol ang ilan sa mga mambabatas ng Kamara para ipasa ang kontrobersiyal na panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Malinaw ang Sotto Law, partikular na ang Section 1 na nagsasaad… “The publisher, editor or duly accredited reporter of any newspaper, magazine or periodical of general circulation cannot be compelled to reveal the source of any news report or information appearing in said publication which was related in confidence to such publisher, editor or reporter, unless the court or a House or committee of Congress finds that such revelation is demanded by the interest of the State.”

Nakikiisa ang ALAM sa paninindigan ni Herrera at ng The Manila Standard na kailanman ay hindi nila ihahayag ang pagkakakilanlan ng nasabing source o impormante kaugnay sa kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng Bureau of Immigration at ng Chinese crime lord na si Wang Bo. Sa halip pag-initan ni Barzaga si Herrera, makabubuting ituon ng Kamara ang kanilang imbestigasyon kina Immigration Commissioner Siegfred Mison at sa Chinese crime lord Bo, at alamin ang akusasyong silang dalawa ang may kinalaman sa nasabing milyon-milyong pisong suhulan para sa agarang pagpasa ng  BBL.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …