Comm. Bert Lina at GM Jose Honrado, may pusong makatao
hataw tabloid
June 17, 2015
Opinion
ANO ba itong report na may ilan tauhan daw ng RIPS ng Department of Finance ang may hidden agenda?
Grabe raw ang dinaranas ng mga government employees na iniimbestigahan ng DOF-RIPS dahil umano may tumitiba sa kanilang isinasalang sa lifestyle check at milyones daw ang usapan at ayusan dito.
Pangulong Noynoy dapat buwagin na ang unit na ito dahil maliit na isda lang ang nakakasuhan at nagiging milking cow lang daw ang ilang corrupt government officials na iniimbestigahan nila.
Sila naman ang paimbestigahan mo dahil meron report na isang CIIS agent ang sumuka ng 10M para mapawalang sala at maabsuweIto sa lifestyle check. Kung totoo ang report, talaga naman na nakababahala. Mas mabuti na buwagin na ito at paimbestigahan rin ang lifestyle checker.
Mabuhay ka Pnoy! sumasaludo ang parehas sa inyo!
***
Kung pagtulong ang pag-uusapan, wala tayong masasabi sa dalawang opisyal ng gobyerno gaya nina Customs Commissioner Alberto Lina at MIAA General Manager Angel “Bodet” Honrado dahil subok na ang pagiging malapit nila sa tao lalo sa mga tunay na nangangailangan.
Wala naman sila hilig sa politika ngunit napakarami nilang tinutulungan na mga kababayang kapos at laging nakahandang ibigay ang kanilang bukas na palad para sa masa.
Kahit saan tayo magtanong ay talagang kusang loob ang kanilang pagtulong sa tao dahil alam nila ang hirap ng buhay.
Kagaya ni Comm. Lina, isa sa mga hinahangaan ko ang pagiging masipag niya sa buhay, siya ay laking-Tondo na nagsumikap para sa kaniyang kinabukasan at ngayon ay naging matagumpay sa negosyo niyang pinasukan. Kaya naman naging maganda ang pasok sa kanya ng grasya ng Panginoon at dahil na rin sa pagiging malapit niya sa Diyos at tumatanaw siya ng utang na loob sa mga nakatulong sa kaniya at laging hindi nakalilimot magdasal sa taas.
Marami na rin siyang ibinahaging tagumpay sa iba at sabi ng kanyang mga tao, ‘pag nagkakamali isa o dalawang beses ay pinagbibigyan ng pagkakataon upang magbago pa.
Kaya naman bilib ang lahat sa kanya, kahit ang ating Pangulo ay bilib sa kanyang kakayahan dahil alam natin na malinis ang hangarin ni Comm. Lina para sa bayan.
Siya po ay napakabuting nilalang at napatunayan ng napakaraming mga tao. Hindi siya nagdadalawang isip na tumulong dahil mabuti ang kanyang kalooban.
Hindi siya nalalayo kay MIAA GM Bodet Honrado, sa kanyang mabuting kalooban ay napakaraming nagmamahal.
Sabi nga nila, sa sarili nag-uumpisa ang lahat, igagalang at susunod ang mga tao kung may respeto sa iyong sarili.
Kaya naman sa MIAA, pinagbubuti niya lalo ang kanyang tungkulin, tinanggal niya ang korupsiyon sa NAIA at naging maganda ang takbo nito.
Marami ang napahanga sa kanyang ginawa at inalis niya ang mga anay na sumisira sa administrasyon ni Pnoy.
Napakahusay niyang mamuno at higit sa lahat ay marunong siyang makinig sa hinaing ng kanyang mga tao.
Subok na siya sa serbisyo publiko.
Kaya naman GM Honrado at Comm. Lina, keep up the good work at Mabuhay kayo!
God bless us all.