Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Court of Honor nanalo sa 2nd leg ng Triple Crown

 

00 dead heatNAMAYANI uli ang isang dehadong kabayo sa 2015 Philracom 2nd Leg Triple Crown Stakes Race in Honor of Congressman Enrique M. Cojuangco, Sr. na humataw sa karerahan ng Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Pagbukas ng starting gate ay bandera agad ang Superv na nanalo sa 1st Leg na dehado sa betting. Nagawa nitong bumandera hanggang malapit sa finish line nang biglang dumating sa likuran niya ang kabayong Court Of Honor na nirendahan ni jockey John Paul A. Guce na gumawa ng malakas na remate pagsapit ng finish line at ito ang nanalo.

Segundong dumating sa finish line ang dehado ring Breaking Bad na sakay si jockey R.G. Fernandez at Tersero ang Superv ni jockey J.B. Bacaycay.

Tumataginting na P1,800,000 ang tatanggapin ng may-ari sa nanalong kabayo. Sa segundo ay P675,000, sa tersero ay P375,000 at sa pang-apat ay P150,000.

Ang third leg ng Triple Crown ay hahataw sa Hulyo 12, 2015 sa karerahan ng Metro Turf sa araw ng linggo.

Sponsor ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni Chairman Andrew Sanchez at Executive Director Andrew Buencamino.

oOo

May isang mananaya ang nakapuna kung bakit pitong (7) karera ang binibitawan sa tatlong karerahan sa mga regular na araw. Ayon sa Commission, pito o walong karera ay halos pareho rin ang benta sa takilya.

Binawasan ng isang karera ang tatlong karerahan upang makatipid sa kunsumo sa kanilang mga facilities.Hindi raw tumataas ang sales kahit gawin pang walong (8) karera.

Ang mga premyo ng mga horse owner ay hindi lumalaki dahil nga mahina ang benta sa takilya.

Kung tataas muli ang benta sa takilya ay muling babalik ang 8 races to 9 races sa mga araw ng karera.

Bayang Karerista suportahan po natin ang bawat karera dito sa ating bansa.

Maraming magagandang balak gawin ang Philippine Racing Commision (Philracom) upang muling magbalik ang inyong tiwala.

oOo

Lubos pong nagpapasalamat ang Press Photograhers of the Phlippines (PPP) sa pamunuan ng Philippine Racing Commisson (Philracom) sa walang sawang sumusuporta.

Muling ibinalik ng Philracom ang “Photo Contest” para sa mga Press Photographers upang i-promote ang Horse Racing Industry dito sa ating bansa.

MARAMING SALAMAT PO PHILRACOM!

DEADHEAT – Freddie M.

Mañalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …