Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kabataang Tondo nakipag-bonding sa NBA stars

 

052815 Jordan Clarkson

PINALAD ang mga kabataan ng Tondo sa pagtatanghal ng basketball clinic nina Fil-American NBA (National Basketball Association) rookie Jordan Clarkson, Uah Jazz star Trey Burke at NBA legend Horace Grant sa Barangay 105, Maynila.

Nagsagawa ang tatlong sikat na basketbolista ng shoot at passing drill at nakipag-bonding sa may 60 kabataang nagmula sa mahihirap na pamilya sa ilalim ng sponsorship ng NBA Craes project ng pa-mosong liga sa Estados Unidos.

Ayon kay Clarkson, natuwa siya sa mainit na pagtanggap sa kanya rito sa Pi-lipinas at magsisilbing inspirasyon para sa kanya ang naging karanasan sa mga batang nagnanais matuto ng basketball, partikular na yaong mga nanggaling sa mahihirap na komunidad sa Tondo na pawang sa kalsada lang madalas nagsisipaglaro.

Nagpakitang-gilas sila para gumawa ng 360 dunk shot na pinalakpakan ng mga kabataang namangha sa ipinamalas na husay ng sikat na rookie ng NBA.

Naglalaro ngayon si Clarkson para sa Los Angeles Lakers pero bago siya nakapsok sa NBA ay nasa college basketball siya ng dalawang season para sa Tulsa bago lumipat sa Missouri, na natamo niya ang second-team all-conference honors sa Southeastern Conference (SEC).

Matapos ipagpaliban ang kanyang senior year sa kolehiyo, pumasok siya sa 2014 NBA Draft at napili siya ng Lakers sa second round ng ika-46 na overall pick. Sa unang taon niya sa liga, hinirang agad si-yang NBS All-Rookie First Team.

Sa kabilang dako, si Burke naman ay pinarangalan bilang National Player of the Year sa 2012-2103 season ng NCAA habang si Grant ay naging NBA All-Defensive Team awardee ng apat na beses mula 2013 hanggang 2016.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …