Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA sa Dubai

020415 PBA

LALARGA ngayon ang dalawang laro ng Philippine Basketball Association Governors’ Cup sa Al Shabab Club sa Dubai, United Arab Emirates.

Ito ang unang beses na lalaro ang PBA mula pa noong 2012.

Unang maghaharap ngayong alas-11:30 ng gabi, oras sa Pilipinas, ang Rain or Shine at Globalport samantalang babalik ang Elasto Painters kinabukasan kontra Barangay Ginebra San Miguel sa alas-11 ng gabi, oras din sa Maynila.

Tabla ang Batang Pier sa 3-1 panalo-talo kasama ang Alaska habang may isang panalo kontra tatlong talo ang Gin Kings.

Nasa ilalim ng standings ng Elasto Painters dulot ng dalawang sunod na pagkatalo.

“Dubai is a very hot spot for Philippine basketball, be it Gilas or the PBA,” wika ni PBA Commissioner Chito Salud. “Our basketball players never fail to entertain and bring joy to our kababayan OFWs in Dubai and other parts of the UAE.

“Dubai always beckons. And we can’t resist our fans there. They simply love the PBA, and the PBA loves our countrymen there even more. Rain or Shine, Globalport and Ginebra will put on a show for Dubai.”

Sasabak para sa Batang Pier ang bago nilang import na si Jarrid Famous na pumalit kay Steve Thomas.

Sinabi naman ni Rain or Shine coach Yeng Guiao na magandang pagkakataon ang mga larong ito sa Dubai na maibalik ng Elasto Painters ang dati nilang porma pagkatapos na matalo sila kontra San Miguel Beer at Alaska.

“It’s a small sacrifice to bring some cheers to overseas Filipinos,” ani Guiao. “It’s also a character-building situation because it forces you to adapt, makes you play tougher, physically and mentally.”

Hindi sumama sa biyahe patungong Dubai ang sentro ng Ginebra na si Greg Slaughter upang magpagaling ng kanyang pilay sa paa.

Mapapanood ang laro ng Globalport at Rain or Shine bukas, alas-siyete ng gabi sa TV5 samantalang ang laro ng Painters at Ginebra ay mapapanood sa Sabado, alas-singko ng hapon, sa parehong istasyon. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …