Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hey, Jolly Girl (Part 15)

00 jollyHABANG NASA BOHOL ANG ASAWA PINILIT NI JOLINA NA MAKITA ANG ‘TATAY’ NG ANAK

Para siyang ibon na nakawala sa hawla sa pag-alis ni Pete. Ipinagkatiwala niya sa yaya ang anak na limang buwan pa lamang ang gulang. Gamit ang sariling kotse, nagpasama siya kay Teena sa mga lakad.

“Saan tayo, Bes?” tanong sa kanya ng kaibigan.

“Tsibug muna tayo…” aniyang kaysigla-sigla.

Sa isang kilalang restaurant sila kumain ng pananghalian ni Teena. Doon na rin nila pinalipas ang init ng panahon sa pagku-kwento-kwentohan. Tapos, nanood sila ng sine sa mall. At bandang hapon, niyakag niya ang kaibigan sa dati nilang hang-out.

“Sa tea house?” si Teena, gulat.

“Ayaw mo ba ro’n?” tanong ni Jolina.

“Gusto…” ang maagap na tugon ng kaibigan niya. “Kaya lang, malamang magkita kayo ro’n ni Aljohn.”

Walang kaalam-alam si Teena na matagal na silang nagkakausap ni Aljohn sa cellphone.

“E, ano ngayon kung nandu’n si Aljohn?” aniyang mala-inosente.

“May nakaraan kayo ni Aljohn, Bes… Baka hindi maging maganda ang dating n’yon kay Pete,” paalala sa kanya ni Teena.

“’Wag kang mag-worry, friend… Nasa Bohol ngayon si Pete,” sabi niya. “Isa pa, period na ang relationship naming dalawa, di ba?”

“Bahala ka, Bes… Sa akin lang, hangga’t maaari sana ay huwag magkaroon ng lamat ang pagtitiwala sa ‘yo ni Pete. Napakabait kasi niya at totoong mahal ka…” ang matapat na saloobin ng kaibigan niya.

Nabungaran agad ni Jolina sa loob ng tea house si Aljohn na katabi sa upuan ni Big Jay.

Pumuwesto sina Jolina at Teena sa isang mesang malayo-layo sa mesa nina Aljohn at Big Jay.

“Hey, Jolly Girl!” kaway sa pagbati ni Big Jay kay Jolina.

Tinanguan at nginitian niya si Big Jay. Pero kunwari’y hindi sila nagpapansinan ni Aljohn. Ang totoo, nakapag-text na ang ex-BF niya ng “happy to see you again.” Na sinagot lang niya ng “emoticon.” (Sundan)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …