Thursday , December 26 2024

Superv kampeon sa 1st leg ng Triple Crown Stakes Race

 

00 dead heatAMANGHA ang Bayang Kararista nang manalo ang kabayong SUPERV na nirendahan ng class A jockey Jeff B. Bacaycay at sa pangangalaga ni Peter L. Aguila sa 2015 Philracom 1st Leg Triple Crown Stakes Race. Nanalo ito na dehado sa betting.

Ang kabayong SUPERV ay mag-aari nina Mr. Kerby Chua at Edward Tan na talaga naman nagpakita ito ng husay sa ginawang pakapanalo.

Sa pagbukas ng starting gate ay agad nakita sa unahan ang SUPERV. Pagdating sa backstretch pangsamantalang kinuha ng kabayong ICON ang unahan.

Hindi ito naging sagabal para kay SUPERV. Pagdating sa kurbada patungong hometretch ay nakuhang muli nito ang unahan at iniwan ang mga kalaban nang malayo pagsapit sa finish line.

Tinalo nito ang mga paborito sa nasabing karera.

Tumataginting na P1,800,000 ang tinanggap ng may-ari sa pagkapanalo ng SUPERV. Sumegundo ang kaba- yong INCREDIBLE HOOK na tumanggap na papremyong P675,000, tersero ang kabayong HOOK SHOT na tumanggap ng P375,000 at sa pang-apat ng dumating sa finish line ay ang DRIVEN na pinagkalooban ng P150,000.

Matapos manalo si SUPERV ay nagpost sa kanyang facebook ang horse trainer na si Peter Aguila at ito ang kanyang sinabi…

“Salamat sa iyo at nagbunga ang araw2 na paggising ng madaling araw…Hindi mo kami binigo at nagbigay ka ng isang malaking pag-asa…mula sa pamilya #AGUILA.

EDWARD TAN MARAMING SALAMAT…at sa kaibigan na ang bigay pugay at sa inyong pagbati…maraming salamat sa inyo…salamat po PANGINOON at marami kang pinasaya…#CHEERS

Makauli kaya sa 2nd Leg ng Triple Crown Stakes Race ang SUPERV? ABANGAN PO NATIN!

oOo

Sa Press Photographers of the Philippines (PPP) Charity Race na sponsored ng Philippine Racing Commission (Philracom) na humataw noong May 17, 2015 sa karerahan ng Manila Jockey Club, nanalo dito ang kabayong MILKY WAY na sakay si jockey A.R. Villegas.

Tumanggap ng P180,000 at tropeo ang may-ari ng MILKY WAY mula sa Philracom.

Dumalo sa okasyon ang ilang opisyales ng Philracom na sina Chairman Andrew Sanchez, Executive Director Andrew Buencamino, Commissioners Dondon Bagatsing at Nonoy Niles.

Maraming maraming salamat sa suporta ng Philippines Racing Commission (Philracom) sa PPP.

NAGING MATAGUMPAY ANG ARAW NG KARERA!

ni Freddie M. Mañalac

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *