Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-9 Labas)

00 ngalan pag-ibigKung ako si Gob, pagbabakasyonin ko na lang sa malayong-malayo ang anak na si Jetro.”

Bunso at kaisa-isang anak na lalaki si Jetro ng gobernador ng lalawigan. Laki sa layaw at sa maluhong pamumuhay, naging spoiled brat. Nalulong sa paggamit ng droga at naging paborito nitong libangan ang magaganda at seksing mga kababaihan.

“Jet, ba’t di mo kami pinasalubungan ng imported na chicks?” kantiyaw ng isang kainuman.

“Naghahanap pa kayo ng imported, e mas champion pa rin ang isang Pinay pagdating sa kama,” pagyayabang ni Jetro sa mga kabarkadang nakasama sa paggugudtaym.

“Aba, Jet, baka magsawa ka rito?” singit ng isa pang kainuman.

“Nakasasawa ba ang chick?” tawa ni Jetro.

Sumabog ang malakas na tawanan sa mesa ng tropa ng anak ng gobernador.

Dumating ang panahon ng kampanya-han. Nag-ikot sa mga bayan-bayan ang reeleksiyonistang gobernador.

“Malaking boto ang hahakutin ng da-d-dy mo sa bayang ‘to,” bulong kay Jetro ng isang lider ng komunidad.

Tumango-tango lang si Jetro. Hinahagod ng mga mata ang mga kababaihan na nadaraanan sa kalsada ng sasakyang kanyang minamaneho.

Pangiti-ngiti, pakaway-kaway at pakamay-kamay ang gobernador sa tao. Gayondin ang binata niyang anak na sumama sa motorcade ng mga kandidato.

Noon naispatan si Jasmin ni Jetro.

“Sino ‘yun?” pagngunguso nito sa dalaga.

“’Yan si Jas… Anak nina Mang Kanor at Aling Azon,” ang tugon ng lider.

“Maganda na, seksi pa…” palatak ni Jetro.

“Ay, oo… Pero mukha ‘atang may boyfriend na, e,” nasabi ng kausap nito.

“Wa ako paki…” anito sa pagngisi.

Naglaba at naligo sa ilog si Jasmin nang araw na iyon. Lingid sa kaalaman nito, sa likod ng malaking tipak na bato ay tatlong pares ng mga mata ang nagmamanman.

“Kayputi-puti at kaykinis-kinis ng ku-tis…” sabi ng isang tinig lalaki na pasilip-silip sa likod ng bato.

“At napakaseksi pa…” banat ng isa pa.

“Dyakpat sa kanya si Bossing…” ngisi ng pangatlong lalaki. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …