Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-8 Labas)

00 ngalan pag-ibigUmiling ang kagawad.

“Wala tayong badyet para du’n, e,” ang tugon ng taga-barangay.

Walang sabi-sabi, bigla na lang pinaputok sa ere ng binatang siga-siga ang hawak na armalite. Parapido iyon. Sakmal ng ma-tinding takot, nagkagulo tuloy ang mga tao. May nagkubli sa kung saan-saan. May gumapang sa lupa. At may nagtakbohang palayo. Bigla ang pagkawala ng mga tao sa paligid. Pati ang tserman ng barangay ay naglaho sa eksena. Ang tanging natira sa lugar ang mag-anak na Jasmin, Aling Azon at Mang Kanor. At sina Karlo at Andy na nagkakatanawan sa kani-kanilang kinata-tayuan.

“Jas…” kaway kay Jasmin ng nakangi-sing si Andy.

Mabalasik na mukha ang ipinakita ng dalaga sa binatang siga-siga.

“Sa susunod, ‘wag mong ilagay ang alak sa ulo,” pandidilat ni Jasmin kay Andy.

“Pasinaya lang ‘yun, Jas…” katuwiran nito. “Wala raw badyet ang barangay n’yo sa kwitis, e… Ito na lang armalite ang pinaputok ko.”

“Hambog!” bulyaw ng dalaga sa binatang siga-siga.

Kitang-kita ni Karlo ang pangungulimlim ng mukha ni Andy. Napatulala ito. At sa saboy ng liwanag ng mga sindidong bombilya sa paligid, sa tingin niya ay tila may luha na karakang namuo sa sulok ng mga mata nito.

Sinundan ni Karlo si Jasmin na dali-da-ling inilayo ng mga magulang sa masugid na manliligaw.

Mula noon, ewan kung dahil sa pagda-dalang-hiya, ay hindi na muling nagpakita si Andy sa lugar nina Jamin.

At sumapit ang panahon ng eleksiyon. Parang hinahalong-kalamay ang mga politiko sa pangangampanya. Tumakbo ulit bilang reeleksiyonista ang kasalukuyang gobernador. Naging usap-usapan sa mara-ming dako ng lalawigan:

“Totoo bang nakauwi na raw ng bansa ang anak ni Gob?”

“’Yun ang dinig ko… Tutulong daw sa pangangampanya ng ama, e.”

“Kow! Pambugaw-boto ni Gob ang Jetro na ‘yun.” (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …