Saturday , November 23 2024

Seryoso ba ang DENR o ‘negosyo’ ang lahat sa Boracay?

00 aksyon almarBORACAY, kilalang bakasyonan hindi lamang sa tag-araw kundi walang pinipiling panahon ang mga nagtutungo rito para magpakasarap ‘mag-relax.’ Hindi lamang tayong mga Pinoy ang nagmamahal sa Boracay kundi maging ng mga dayuhan mula sa iba’t ibang bansa.

Noong nakaraang taon, bilang regalo sa kaarawan ng aking mahal – Pebrero 14, nasa lugar kaming buong pamilya. Ikalawang pagpunta ko na sa isla na matatagpuan sa bayan ng Malay sa lalawigan ng Aklan. Ang una’y noong Pebrero 14, 2003, kaarawan rin ni misis.

Malaki na ang pagbabago ng Boracay – ang daming establisimiyento at matrapik na rin. Sa pagtakbo sa isla (hindi paglangoy) nang ikutin ko ang isla, isa sa pinakamalaking problema ay basura. Problema rito kung saan nila o kung paano idi-disposed ang tone-toneladang basurang nakokolekta araw-araw.

Sa pagtakbo at pag-ikot sa isla, may isang barangay dito na napuntahan kong nangangamoy basura. ‘Yun pala, doon itinatambak ang araw-araw na nakokolektang basura. Siyempre, nagtanong-tanong ako. Nalaman kong isa pala sa pangunahing itinatagong ‘baho’ ng isla ay kung paano resolbahin ang problema nila sa basura na kung mapabayaan o hindi maresolbahan, malamang na maapektohan ang sariwang hangin sa isla.

May isang taon na ang nakararaan ngayon, ewan ko kung naresolba na nila ang problemang ito. Sana!

Naalala ko ang lahat dahil sa napaulat na ang DENR ay nakipag-ugnayan sa asosasyon ng mga resorts, hotel at restoran sa isla para sa isa pang pangunahing nakikitang problema na maaaring magpapadesmaya sa mga magbabakasyon sa isla.

Marami kasing establisimiyento sa isla na walang sapat na permiso partikular na ang “sani-tation permits” o patuloy na lumalabag sa environmental laws, na isa sa nakikitang dahilan para nagiging marumi ang babaying karagatan ng Boracay.

Target ng DENR ang mga resorts etc., na walang sariling sewage treatment plans. Ang mga makikitang walang sewage treatment ay obligahing makipag-ugnayan sa sewer lines ng isla para maiwasan o matigil na ang ilegal na pagtatapon ng maruruming tubig ‘wastewater’ sa karagatan ng Boracay na pinagmumulan ng “green algae.”

Ang kampanya naman ng DENR ay suportado ng mga nagmamay-ari ng resorts, hotels, at restaurants.

Sana hindi lang ito ang resolbahin ng DENR sa lugar kundi maging ang tamang tapunan ng tone-toneladang basura ng isla na nakaaapekto rin sa simoy ng hangin sa isla. Sa obserbasyon ko o nakita roon, higit na naapektohan ng walang sapat na tapunan ng basura sa isla ang mga re-sidente. Sila ang kawawa at hindi ang mayayamang nagmamay-ari ng mga kumikitang establisimiyento.

Ano pa man, hindi na bago ang isyu sa Boracay hinggil sa pagpapaagos ng wastewater sa karagatan o sa shoreline. Noon pa ito at paulit-ulit na ang isyung ito.

Kaya, totoo na nga ba ang kampanya ng DENR laban sa matitigas na establisimiyento? Wala ka-yang ‘negosyo’ sa likod ng kampanya.

Seryoso nga ba talaga ang DENR o ‘negosyo’ lang ang lahat? Naitanong natin ito dahil taon-taon ito ang problema at laging hanggang umpisa lang ang kampanya ng DENR para lutasin ang problema.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *