Tuesday , January 14 2025

Sa Ngalan ng Pag-ibig (Ika-3 Labas)

00 ngalan pag-ibigIkinabubuhay niya sa araw-araw ang pagtitinda sa Blumentritt ng mga itak, sundang at kutsilyong pambahay.

Sa pakikipanuluyan sa pamilya ni Mang Berto, pinakisamahan niya ang lahat ng mga kasambahay roon. Nakatuwang siya sa mga gawain ng asawa ng kanyang tiyuhin na si Aling Azon; tagapaglampaso ng bahay, tagapag-alaga ng mga pananim sa loob ng bakuran at nagiging kusinero paminsan-minsan. Tinulungan din niya sa mga gampanin ang binatilyong si Boknoy, ang bunso sa tatlong anak nina Mang Berto at Aling Azon. Naroroong manguha siya ng panggatong sa bukid, mag-igib ng tubig sa ilog at magpakain sa mga alagang baboy. At naging kasama-kasama siya sa pangingisda ni Mang Berto.

“Maghanda-handa ka na, ‘Noy… Pa-maya-maya lang, e papalaot na tayo,” paalala kay Karlo ng kanyang tiyuhin.

Palibhasa’y batang-kalye ng Blumentritt, napakisamahan din ni Karlo ang bawa’t isa sa komunidad nina Mang Berto. Nakikiumpok siya sa inuman ng mga tagaroon. Naki-tagay rin sa mga sundalo ng gobyerno na pumaparoon. Pati sa mga “taong tagalabas” na nakikisalamuha sa taumbayan.

“’Yan palang si Karlo ang bunsong anak ng kapatid mong si Antonio. At sa Maynila pala naninirahan…” pag-uusisa ni Mang Kanor, kasamahang magdaragat ni Mang Berto.

“Nawalan ng trabaho sa Maynila, e… ‘Pag nagkataon, baka dito na ulit magpirmi ang batang ‘yan,” ang nasabi ng tiyuhin ni Karlo.

“Maraming magagandang kadalagahan sa atin… Naku, t’yak na mawiwili ‘yan dito,” tawa ni Mang Kanor.

“Bagay ang pamangkin ko sa dalaga mo, Pareng Kanor,” ngiti ni Mang Berto.

“Binata ba ang manok mo?” pagtataas-kilay ni Mang Kanor.

“Binatang-binata, Pareng Kanor…At pogi!” pagmamalaki ni Mang Berto.

“Aba, oy, Pareng Berto! Magayon naman ang anak kong si Jasmin, a…” bulalas ni Mang Kanor kay Mang Kanor.

“Ibig sabihin, match na match ang pa-mangkin ko at ang anak mo…” pakikipag-apir ni Mang Berto kay Mang Kanor.

Ang hindi alam ng dalawang matandang lalaki, matagal nang pinopormahan ni Karlo si Jasmin. Textmate pa nga niya ang dalaga. At malapit pa nga ang kalooban nito sa kanya.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus jackpot 1

BingoPlus player bags a jackpot prize of 312 million pesos

BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, celebrated yet another milestone. A lucky player …

BingoPlus The Kingdom Piolo Pascual FEAT

BingoPlus hosts an exclusive block screening of Piolo Pascual’s The Kingdom

METRO MANILA – BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, hosted another exciting …

PlayTime MMFF

Playtime namahagi ng cash prizes sa mga nagwagi sa 2024 Metro Manila Film Festival

KABALIKAT ng  PlayTime, nangungunang contender sa industriya ng online entertainment games sa Pilipinas, ng Metro Manila Development …

SM AweSM Cebu FEAT

Celebrate Sinulog at SM with AweSM Festivities!

Get ready for an unforgettable Sinulog celebration at SM! Join the vibrant festivities at SM …

BingoPlus International Series Philippines FEAT

The International Series adds Philippines with BingoPlus to its growing global footprint as part of exciting 2025 schedule

London, United Kingdom, 08 January 2025: The International Series breaks new ground in 2025 with …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *