Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Giba ang mental toughness ni Floyd

040715 pacman floyd mgm

00 kurot alexGULPEHAN na!

Malalaman natin kung sino nga ba ang magaling kina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa paghaharap nila ngayon sa MGM Grand sa tinaguriang FIGHT OF THE CENTURY.

Sino nga ba ang mananalo?

Kung ang inyong lingkod ang tatanungin, isang bagay lang ang nakikita nating magiging susi ng magwawagi, kung sino ang may matinding mental toughness…mananalo

At tingin natin—si Manny ang nagtataglay nun. Bakit kamo nasabi natin iyon?

Aminin man natin o hindi…matagal na iniwasan ni Mayweather si Pacquiao. Kung natatandaan ninyo, minsang nagpahayag si Floyd na kung kaya malakas ang Pinoy pug ay gumagamit ito ng Performance Enhancing Drugs (PEDs). Kasi nga naman, tinatalo at talaga namang dinodomina niya ang mas malalaki at malalakas na boksingero sa mas mataas na dibisyon. Napakaliit nga naman ni Pacman para gibain ang katulad nina De La Hoya, Margarito, Clottey at iba pa.

Pagkalipas ng limang taong pag-iwas, dumating na sa punto na hindi na maiiwasan ni Floyd si Manny. Ikanga ni Freddie Roach, napilitan na si Mayweather Jr na harapin ang hamon.

Pero kumasa nga si Mayweather kay Pacquiao, naroon sa isip ang pag-asa na madadale niya ang Pambansang Kamao sa isyu ng PEDs. Di ba’t minsan niyang ipinilit ang Olympic Style drug testing kung sakaling maghaharap sila? At sa kung anumang dahilan ay di kinagat ni Manny.

Hanggang ngayon ay pinipilit niya na sumalang sila sa ganoong sistema para nga naman mabuking si Pac kung sakaling gumagamit nga ito.

Dugtong pa sa hinala ni Floyd na parating kargado si Manny ng PEDs sa laban nito—kaya kinuha niya ang dating conditioning coach ni Pacquiao na si Alex Ariza para ayudahan siya sa pagpapakondisyon (kuno). Pero duda natin, kinuha ni Mayweather si Ariza ay para alamin niya dito kung kumakarga nga si Pacman ng PEDs sa bawat laban nito.

He-he-he. Tiyak na negatibo ang sagot ni Ariza sa tanong ni Floyd.

At ang lakas pala ni Pacquiao na nakikita niya sa mga nakaraang laban nito ay NATURAL…

Ano sa palagay ninyo ang nangyayari ngayon sa tikas ni Floyd?

Tiyak ko na giba ang kanyang mental toughness.

 

 

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …