KUNG sa pahayag ni Hall of Fame trainer Freddie Roach ay inspirasyon niya ang Pambansang kamao Manny Pacquiao, tinugon naman ito ng People’s Champ ng matinding pa-ngako—ang ika-walong Trainer of the Year award.
Noong igawad sa trainer ni Pacman ang ika-pitong award, hindi siya ang mismong dumalo para tanggapin ang para-ngal.
“My brother is accepting it for me,” wika ni Roach sa dahilang mas marami umano siyang ginagawang mahaha-lagang bagay kaya hindi na siya ang nagpunta sa awarding ceremony ng Boxing Writers Association of America sa New York.
Gayon pa man, may pang-walo pa umanong award na ‘on its way’ para kay Roach.
Ito ang pangako ni Pacquiao habang nagwo-workout ang Pinoy boxing icon sa Wild Card gym sa Hollywood. Patuloy pa rin nagsasanay ang eight-division world champ sa paghaharap nila ng undefeated pound-for-pound king ng Estados Unidos na si Floyd Mayweather Jr.
“You’re going to win an eight Trainer of the Year award next year because I’m knocking Mayweather out,” promise daw ni Pacquiao.
“I like it when he says things like that,” reaksyon naman ni Roach.
“His power is unbelievable. His speed is unbelievable. I’ve never seen a better Pacquiao than (I do) now,” dagdag ng 7th-time, at soon to be 8th-time tulad ni Pacquiao, na Hall of Fame trainer.
Sa pagpuna naman sa makikitang mga pagbabago kay Mayweather, ipinunto ni Roach na malalaman lang nila ang kahihinatnan ng training ng American champ sa simula na ng laban mismo. Ngunit tinukoy din niya ang paglaki ng katawan nito.
“I think Floyd put all that muscle on for a reason and he’ll use it,” aniya. “And he’s gonna come out after us fast. (The first round) should tell everything, what kind of fight we’re going to have; a boring fight or a good fight, either Floyd’s gonna fight us or (he’s) going to run,” pagwawakas niya.
Kinalap ni Tracy Cabrera