SA Linggo ay maghaharap na sina Floyd Mayweather Jr., at ang ang Pambansang Kamao ngunit kinompirmang may split lip ang wala pang talong pound-for-pound king ng America at injury sa dalawa niyang kamay.
Ito ang sinabi ni David Mayo ng MLive.com ukol sa calf issue ni Manny Pacquiao sa gitna ng pagsasanay ng Pinoy boxing icon at sa sinasabing ‘aches-and-pains’ na nararamdaman ni Mayweather.
“(He) has a split lip and injured hands,” kompirma ni Mayo.
Iniulat niyang nakipag-sparring si Mayweather kahit may mga skin mark sa bukong-buko ng kanyang kamay at nilalagyan niya ng ointment. Nakipag-sparring din siya nang may split lip.
“Let me confirm that Mayweather indeed has been coping with hand injuries,” ani Mayo. May mga skin mark din daw sa bukung-buko ang Amerikanong kampeon na nangangaila-ngan ng antiseptic.
“He even sometimes blows on them to relieve the stinging after the medication is applied, lest anyone think it is impossible to hurt boxing’s pound-for-pound king,” isinulat nito.
Ngunit ipinunto rin ni Mayo na ‘overblown’ ang sinasabing mga injury concern ng dalawang magkatunggali, lalo na kung ikokonsidera ang edad nina Mayweather at Pacquiao.
“Older fighters cope with injuries all the time,” aniya. “Mayweather is 38. Pacquiao is 36. It would be a surprise if they didn’t have some aches and pains.”
“And it would be an excuse if anyone said a split lip or cramping calves in early April had any effect on a fight sche-duled in early May,” dagdag niya.
Gayon man, hindi rin umano makaaapaketo sa pagsasanay ng dalawa ang pananakit ng mga kamay ni Mayweather at calf injury ni Pacquiao.
“As to Mayweather-Pacquiao, when it comes to the injuries that seem to concern so many, including many otherwise unconcerned about boxing, there’s nothing to see here until three weekends from now, when they try to inflict injury open each other,” pagwawakas ni Mayo.
Kinalap ni Tracy Cabrera