Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman handang lamunin si Floyd

040715 pacman floyd

00 kurot alexSA final press conference ng bakbakang Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr sa MGM Grand ay dinagsa ng fans.

At base sa mga nakita nating photos na kuha ng iba’t ibang boxing websites, may napuna tayong mahalagang bagay sa mga aura ng dalawang boksingero.

Muli ay nakita natin ang tapang sa mga mata ni Manny, samantalang tipong malamlam ang kay Floyd.

Kung sa mga naunang presscon ng dalawa para i-promote ang kanilang laban ay tipong maamong tupa ang mga mata ni Pacman. Ngayon—parang mata ng tigre ang makikita na handang lumamon ng biktima.

Si Mayweather, tipong walang kinang ang mga mata. Parang siya ngayon ang bibiktimahin ng predator.

0o0

Narito ang mga pahayag, komento at pananaw ng ilang boxing fans na gustong makisali sa bakbakang Manny at Floyd:

BESTRE FLORES ng Sta. Cruz, Manila –Kay Pacquiao ako. Ang batayan ko ay ang naging laban nila kay Oscar De La Hoya. Minani lang ni Pacquiao si De La Hoya, samantalang muntik pang matalo si Mayweather nang magharap sila.

ARNEL CRUZ, owner-manager ng REE CHI CHIE na gumagawa ng masasarap na PICHI-PICHI AT CASSAVA CAKE – Isang Modern Warrior si Pacquiao. Subok siya sa laban. Kakainin niya ng buo si Mayweather.

TEODIE CHAMPACA ng Nueva Ecija – Siyempre sa DEHADO tayo. Pag dehado nanalo…KABIG tayo! Kay Pacman ako.

VICENTE VERNAULA, OIC ng security ng Chinese Cemetery – Tingin ko…DRAW ang laban. Parehong magaling. Tiyak na manghihinayang ang mga judges na may matalo kaya itatabla nila ang verdict. Anyway, tiyak namang may Part 2 ang laban.

JHONNY GALANG ng Tambunting, Sta. Cruz, Manila – Mahilig tayo sa UNDERDOG. Kay Manny tayo. Go Pacquiao! Kaya mong gibain ang depensa ni Floyd!

RUDY LINGAT ng Tambunting, Sta. Cruz, Manila – Tingin ko, walang kuwenta ang SHOULDER ROLL ni Mayweather kapag inulan na siya ng suntok ni Pacquiao. Baka nga targetin pa ni Pacman ang mismong braso nito para magiba.

 

ni Alex Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …