Wednesday , November 6 2024

Amir Khan miron sa labang Floyd-Manny

042815 amir khan

INAASAHAN ni Amir Khan, kontender sa welterweight division, na mananalo si Floyd Mayweather laban kay Manny sa May 2 via unanimous decision.

At ang matatalo sa nasabing laban ay lalabanan niya bago magtapos ang taong 2015 at ang mananalo naman sa dalawa ay hahamunin niya sa susunod na taon.

Si Khan na isang British ay isa sa mapalad na magiging miron sa loob ng MGM Grand para saksihan ang makasaysayang laban ng dalawa na tinatayang tatabo ng multi-milyong dolyares.

Nakakuha ng tiket si Khan sa pamamagitan ng kanyang boxing adviser na si Al Haymon na siya ring adviser ni Mayweather.

Sa kasalukuyan ay pinag-uusapan ang laban nina Khan at Chris Algieri para sa May 29. Ito ang magiging tune-up fight niya bago labanan kaninuman kina Pacquiao at Mayweather.

“Winning this fight against Algieri will take me closer to the mega fight with either Floyd or Manny,” payahag ni Khan sa ESPN.

“I know Floyd has a quick turnaround and after the May fight he wants to get back into the ring in SEPTEMBER.

“But anything can happen – he might get injured or something. I have to keep performing well and if it happens I will be ready.”

Matatandaang si Khan ang nanalo sa isang Online Poll kontra kay Marcos Maidana bilang pili ng mga nagmamahal sa boksing. Pero sa kung anong dahilan ay si Maidana ang pinili ni Mayweather na labanan sa dalawang okasyon na kung saan ay tinanghal na panalo si Floyd via split decision at unanimous ayon sa pagkakasunod.

 

About hataw tabloid

Check Also

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *