Saturday , November 23 2024

Pan-Buhay: Pagkain ng Buhay

00 pan-buhaySumagot si Hesus, “Pakatandaan ninyo: hinahanap ninyo ako, hindi dahil sa mga himalang nakita ninyo, kundi dahil nakakain kayo ng tinapay at nabusog. Huwag ang pagkaing nasisira ang inyong pagsikapang kamtan, kundi ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Iyan ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng Diyos Ama ng ganitong karapatan.” Juan 6:26-27

Tayong mga Pilipino ay kilalang mahilig sa kasiyahan at kainan. Hindi natin pinalalagpas ang anumang okasyon – binyag, kaarawan, kasal, anibersaryo, piesta at marami pang iba, pati na ang Araw ng mga Patay at lamay sa patay, upang tayo ay magsalo-salo at kumain. Bukod sa pagkakataong magkasama-sama sa pagdiriwang, ito rin ay pagkakataong makakain ng libre.

Walang iniwan ito nang si Hesus ay magpakain ng libo-libong tao sa pama-magitan ng himala ng pagdami ng limang pirasong tinapay at dalawang isda. Dahil sa sila ay pinakain, lalo nilang sinundan si Hesus sa pag-asang sila ay makakain lagi ng libre. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila na ang dapat nilang hangarin ay “ang pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan”.

Marahil, kailangang tanungin ang ating mga sarili kung bakit tayo sumusu-nod kay Hesus kung siya man ang ating sinusundan. Bakit tayo tumatawag o nagdarasal sa kanya? Ito ba ay ginagawa natin dahil lamang may kailangan tayo sa kanya o may gusto lang tayong hingin? Ang tingin ba natin sa Diyos ay parang isang “vendo machine”o “genie” na tagabigay lamang ng ating mga gusto o kahilingan? Ginagamit ba lamang natin siya tulad nang kadalasang ginagawa nating paggamit sa ating kapwa?

Ang tinutukoy ni Hesus na pagkaing dapat nating hangarin ay walang iba kundi Siya mismo. Walang masama kung humingi sa kanya sa pamamagitan ng ating panalangin. Huwag lang sanang ito lang ang maging basehan ng ating paki-kipag-relasyon sa kanya. Lumapit tayo sa kanya dahil siya ang ating Panginoon na karapat-dapat na sambahin at mahalin. Sundan natin siya dahil siya ang Tanging Daan patungo sa buhay na walang hanngan. Ipagpasalamat natin ang mga biya-yang natatanggap ngunit huwag nating kalimutan ang nagkaloob ng mga ito. Una-hin natin Siya.

 

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

 

ni Divina Lumina

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *