SAMPUNG araw bago ang kinasasabikang ‘Battle for Greatness’ sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., naniniwala si dating WBA welterweight champion Ricky ‘The Hitman’ Hatton na matatalo sa puntos ang Pambansang Kamao.
“Angkin niya (Pacquiao) ang lahat ng husay sa boxing para talunin niya si Mayweather, pero maaa-ring hindi sapat ang mga ito,” ayon sa British boxer.
Parehong nakasagupa ni Hatton ang dalawang mandirigma at kilalang kilala niya—matapos siyang matalo sa Pinoy boxing icon sa second round at kay Mayweather sa 10th round.
“Nasaksihan ko kung gaano siya kagaling, ” ani Hatton sa pa-nayam ng Boxing Scene matapos na ma-KO ni Mayweather. “Puwede kong ireklamo iyong referee o isisi ang aking pagkatalo dahil dito o d’yan, pero nang lumabas ako sa changing room, at naupo, sinabi ko sa aking sarili, ‘wow, that fella is good.’”
Sa nasabing dahilan, ibi-nigay niya ang pabor kay Mayweather sa kabila nang pagbanggit na ‘lahat ng galing sa boxing’ ay na kay Pacman para magawang talunin ang wala pang talong American pound-for-pound king.
“Kaliwete siya (Pacquiao), kaya medyo alanganin tayo riyan. Mabilis ang kanyang paa at kamay, at marahil magagawa niyang pantayan si Mayweather pagda-ting sa bilis,” wika ng Bri-tish champ.
“Sa tingin ko, kung mapapantayan niya ang bilis ni Mayweather, at makalalabas din agad gaya ng ginawa niya kay Oscar De La Hoya—puro straight lang at walang hook, na sinasabing magaling si Manny—may malaki siyang tsansa para manalo,” dagdag ni Hatton.
Dangan nga lang ay makakapag-adjust umano si Mayweather, na laging namang nagagawa ng undefeated American.
“Ang gut feel ko’y makapag-adapt ng kanyang estilo si Mayweather gaya ng lagi niyang ginagawa, saka tatalunin si Manny sa puntos,” aniya.
Kinalap ni Tracy Cabrera