Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra kailangan ng maraming tune-up — Lim

040715 Frankie Lim ato agustin

INAMIN ng bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel na si Frankie Lim na kailangan ng maraming mga tune-up games ang Gin Kings para lalo sila masanay sa kanyang sistema.

Pinalitan ni Lim si Ato Agustin pagkatapos na matalo ang Ginebra kontra Rain or Shine sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Ito ang unang beses na maging head coach si Lim sa PBA pagkatapos ng anim na taon niyang paghawak sa San Beda College sa NCAA.

“We’re not yet in tip-top shape, but we’re getting there,” wika ni Lim sa panayam ng www.spin.ph.

“Maganda naman ang execution nila (Gin Kings). And maganda naman ang tinatakbo so far, though, siguro four to five (practice) games pa before (the) start of the Governors Cup.”

Noong Sabado ay sumabak ang Ginebra sa unang tune-up game sa ilalim ni Lim nang tinalo nito ang Cebuana Lhuillier ng PBA D League, 100-89.

Wala pang Amerikanong import ang Ginebra ngunit nandito na sa bansa ang Asyanong import ng Kings na si Sanchir Tungala ng Mongolia.

“It’s more on execution ng plays and defense. Maganda naman ang nangyayari though malayo pa, pero siguro, given a few more weeks, medyo okay na kami,” ani Lim.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …