Two nights ago na po pnaginip q, may nakasalubong dw aq na aso, d ko nman pancin den bgla2 hinhbol n dw aq nung aso, kya tumakbo aq at nng nkita ko yung cmbahan dun aq pumsok, pls pak ntrprt po dnt post my cp, kol me karen, tnk u po Señor
To Karen,
Ang aso sa panaginip ay simbolo ng intuition, loyalty, generosity, protection, at fidelity. Ito ay nagsa-suggest na ang iyong strong values at good intentions ay magiging susi ng iyong pag-usad at tagumpay. Alternatively, ito ay maaari rin namang nagsasaad ng ukol sa talentong iyong binabalewala o kinalimutan na. Sakali namang ang aso ay mabagsik at umuungol, ito ay nagpapakita ng ilang inner conflict sa iyong sarili. Maaari rin naman na ang panaginip mo ay nagsasaad ng betrayal at untrustworthiness. Sa kaso mo, ito ay nagpapakita na nawala o nawawala ang iyong kakayahan upang balansehin ang ilang aspeto ng iyong buhay. Maaaring ito ay bunsod ng iyong agam-agam upang harapin ang bagong sitwasyon o kaya naman, wala kang interes o kagustuhang umabante tungo sa iyong mithiin. Alternatively, maaari rin naman na ito ay sagisag ng disloyalty para sa ilang malalapit sa iyo na hindi mo pa pala talagang lubos na kilala. Dapat mo ring pahalagahan ang mga malalapit sa iyo na may pakinabang ka at may mabuting naidudulot para sa iyong interes.
Kapag naman nanaginip na ikaw ay hinahabol, ito’y nagpapakita na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala. Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity.
Ang panaginip mo naman na ikaw ay nasa simbahan ay nagsasaad na ikaw ay naghahanap ng spiritual enlightenment at guidance. Hinahanap mong ikaw ay ma-uplift sa ilang pamamaraan. Bunsod ito marahil ng ilang mga pagkakamaling nagawa sa mga nakaraang panahon na naging dahilan upang maging sagwil sa pagnanasang makamit ang iyong mga mithiin sa buhay. Subalit sa pamamagitan ng tamang pag-ayuda o suporta, ikaw ay muling makababalik sa tamang landasin. Alternatively, ang panaginip mo ay maaaring nagsasabi rin na kinukuwestiyon at nagmumuni-muni ka sa mga naging desisyon at mga bagay na ginawa mo sa iyong buhay, partikular kung saan ito patutungo. Pinag-iisipan mong mabuti kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa iyong buhay at kung ano ang magbibigay sa iyo ng lubos na satisfaction.
Señor H.