Monday , January 6 2025

Bilangguang Walang Rehas (Ika-16 Labas)

00 bilangguanNakasakay siya sa isang mahabang bangka na apaw sa mga pasahero na pulos walang mukha. Sabi ng bangkero, isang pasahero pa ang kanilang hinihintay. Si Carmela pala ang pasaherong ‘yun. Nakadamit ito ng puting-puti na lampas sa bukong-bukong ang haba. Pagsakay doon, kabilang dulo ng bangka ang pinuwestohan nito sa pag-upo. Nagkakatanawan lang silang da-lawa ng dalaga, may lungkot sa mga mata at mangiyak-ngiyak ang itsura.

Gumaod nang gumaod ang sagwan ng bangkero sa payapang tubig ng karagatan. Sa pagkisap ng kanyang mga mata, natanaw niya sa kanilang daraanan ang mababang balumbon ng makapal na ulap na mistulang galing sa maruming usok ng sasakyan. Pumaloob ang bangka roon. Tila namalik-mata siya nang bigla na lang naging kulay itim ang kasuotan ng bangkero na hawig kay Mr. Mizuno. Lalong nanindig ang mga balahibo niya dahil hindi na sagwan ang tangan nito kundi karit na may makinang na talim. At wala na si Carmela sa dating kinauupuan. Noon niya napansin na nagkulay dugo, pulang-pulang dugo, ang tubig-dagat sa kanilang paligid.

“Carmelaaa!” ang pagkalakas-lakas ni-yang naisigaw.

Niyugyog siya sa balikat ni Onyok.

“Kuya, gising… binabangungot ka!” sabi sa kanya ng binatilyo.

Hindi pa rin nakabalik si Carmela sa isla makaraan ang tatlong araw at tatlong gabi. Sabihanan tuloy ng mga kababaihang kasamahan nito sa barracks:

“Baka nasarapan na sa pag-uwi at ayaw nang bumalik…”

“Nakabuburyong yata rito, puro trabaho.”

“Hindi naman sana siya biglang dinapuan ng sakit.”

“Teka, baka napurga sa sardinas.”

Naging mapanglaw ang barracks ng mga kababaihan sa ‘di pagbabalik sa isla ni Carmela na tinatawag doon na “Ate Carmy.”

Labis na ikinalungkot iyon ni Digoy.

Pero hindi niya namalayan ang pagkupas ng kasiglahan kay Gardo.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *