Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Purefoods tinibag ng TNT

00 SPORTS SHOCKEDTINAPOS na ng Talk N Text ang paghahari ng defending champion Purefoods Star nang talunin nito ang Hotshots, 79-66 sa Game Four ng best-of-five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

What a comeback iyon para sa Tropang Texters na natalo sa Game One, 100-94.

Nakabawi sila sa Game Two, 92-77 at nagwagi din sa Game Three, 110-197.

Makakaharap ng Tropang Texters sa best-of-seven championship round na magsisimula sa Miyerkoles ang Rain or Shine na nauna na sa championship phase matapos na mawalis ang Meralco sa semis.

Well, dahil sa panalo ng Tropang Texters ay magiging top contender para sa Best Player of the Conference si Jayson Castro dahil sa sobra ang ganda ng mga numero nito. Katunayan, ito ang naging Best Player of the Game ng huling tatlong laro ng semis.

Si Castro ang siyang nagpahirap nang husto sa Purefoods. Hindi siya madepensahan, e.

Tunay ngang minana niya ang puwestong binakante ni Jimmy Alapag na siya ngayong team manager ng Tropang Texters. Matagal din naman siyang naglaro sa anino ni Alapag. Pero ngayon ay siya na ang main local ng Talk N Text.

Katunggali ni Castro para sa Best Player of the Conference si Paul Lee ng Rain Or Shine.

At si Lee din naman ang siyang naging bida para sa Elasto Painters sa semifinals kung saan winalis nila ang Meralco Bolts. Hindi rin mapigilan ang tinaguriang “Angas ng Tondo.”Kapag ginusto niyang pumuntos, kahit sino pa ang humarang ay walang magagawa!

Sa totoo lang, sina Castro at Lee lang talaga ang mapagpipilian.Parang wala nang ibang naging standout, e.

Kaya nga kung ang pumasok sa Finals ang Purefoods, wala ulit na Hotshot na magiging Best Player of the Conference. Kasi, parang parehas ang numero ng mga locals samantalang angat si Denzel Bowles.

E noong isang taon nga ay naka-Grand Slam ang Purefoods (San Mig) Coffee pero hindi sa kanila nagmula ang Most Valuable Player dahil sa team effort talaga ang kanilang ipinamalas. Ngayon pa lang tiyak na nagpupustahan na ang mga magkaibigan at magkaribal kung sino kina Castro at Lee ang Magiging Best Player of the Conference.

 

ni Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …