KAPAG nagpalipas ka ng oras sa ilalim ng sloped ceiling, ang iyong enerhiya ay mistulang naiipit at under constant pressure.
Sa gabi, ito ang tanging oras na ang iyong katawan ay nakapagtatrabaho para sa pagpapanumbalik ng lakas.
Sa pagtulog sa ilalim ng sloped ceiling, napipigilan ang trabahong ito, kaya posibleng maapektohan ang iyong kalusugan.
Ang pagtulog sa kama sa ilalim ng sloped ceiling ay maaari rin maging dahilan ng emotional instabi-lity at mababang enerhiya.
Kung ikaw ay natutulog sa bedroom na may sloped ceiling, suriin kung maaari mong mailipat ang kama (lalo na ang headboard) sa pinakamataas na bahagi ng sloped ceiling.
ni Lady Choi