Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 2)

00 ganadorIKINASAL SI RANDO AT LEILA HABANG NAKATAKDA ANG ISANG MADUGONG LABAN

“Sori, Boss… Naitakda na namin ng girlfriend ko ang petsa ng aming kasal,” ang naikatuwiran niya kay Mr. Rojavilla..

“Aba, mas kailangan mo’ng kumita ngayon…” singit ng trainer niya.

“May mapapasukan na po akong bagong trabaho…” ang maagap niyang naidiga sa mga kausap.

Isang malawak na plantasyon ng tubo ang pagtatrabahuhan ni Rando sa dulong lalawigan ng Norte. Pag-aari iyon ni Don Brigildo na pagkayaman-yaman at maimpluwensiyang tao. Idinadaan sa pera-pera ang lahat ng mga bagay na gusto.

“Nakahanda na ba ang ruweda, Emong?” si Don Brigildo, sakay ng puting kabayo, ternong puti ang mga kasuotan at nakasombrero ng balanggot.

“Opo, Sir,” ang sagot ng katiwala sa plantasyon ng tubo.

“Ang mga pagkain at inumin?” usisa pa ni Don Brigildo.

“Okey na rin po, Sir…” ang sagot ng katiwala sa panginoon.

“Kumusta sina Mayor at Gob?” tanong ng matandang lalaki na pulos puti na ang buhok, bigote at balbas pero matikas pa rin ang tindig.

“Nagpasabi po na darating sila… Panonoorin daw po nila ang laban mama-yang hapon…” ang sabi ng katiwala na pumigil sa rendang lubid sa pag-ibis ng pa-nginoon sa likod ng kabayo na may sapin na katad.

Napangiti si Don Brigildo.

Pinuntahan ni Don Brigildo ang lugar na pagdarausan ng mano-manong pagsasagupa ng mga kalahok sa paligsahan. Sa parisukat na ruwedang naroroon ginaganap ang buwanang sukatan ng lakas at tapang ng mga kalalakihan na handang isugal ang buhay kapalit ng matatanggap na salaping gantimpala. Madugo ang bakbakan doon – patay kung patay!

Nakipag-isang dibdib si Rando kay Leila sa tanggapan isang huwes. Simple at pa-yak lamang ang okasyong iyon. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …