Paano po ‘pag nanaginip ka ng tatlong diablong nag-uusap at nagtatawanan? Ano po bang ibig sa-bhin non? Pls don’t publish my number. Thank you po!
To Anonymous,
Kapag may napanaginipan na demonyo, ito ay may kaugnayan sa fear, limitations, at negatibong aspeto ng iyong sarili. Posibleng bunsod ito ng itinatagong feelings of guilt. Ngayon na ang panahon upang mailabas mo ito o alisin sa iyong damdamin. Alternatively, ang demonyo ay nagre-represent din ng intelligence, cunningness, deception, at cleverness. Kung nakipaglaban ka naman sa demonyo, ito ay nagpapakita na ikaw ay magtatagumpay sa paglaban sa iyong mga kaaway.
Kapag nanaginip na may tumatawa o may nagtatawanan, nagsasaad ito na kailangang mag-lighten-up ka at bitawan ang iyong mga suliranin. Huwag dapat lagyan ng labis na pressure ang sarili. Ito ay maaaring senyales din ng joyous release at pleasure. Kung ikaw naman at pinagtatawanan na siyang marahil na mas tugma sa takbo ng panaginip mo, ito ay may kaugnayan sa insecurities at takot na baka hindi ka matanggap ng iba. Kung ang narinig na pagtawa o paghalakhak ay parang demonic laughing, ito ay may kaugnayan sa feelings of humiliation and/or helplessness. Na pakiwari mo ay may mga taong kumakalaban sa iyo o may ginagawang laban sa iyo.
Señor H.