Wednesday , January 8 2025

Captain America tumupad sa pangako

kinalap ni Tracy Cabrera

032315 chris evans pratt

TINUPAD nina Chris Pratt at Chris Evans ang kanilang pangako.

Nangako ang dalawa na dadalaw sila sa Seattle Children’s Hospital kasunod ng pustahan sa isa’t isa sa Super Bowl at tinotoo nila ito.

Nagsuot si Evans ng kanyang Marvel character na Captain America para makatulong na pasayahin at pangitiin ang mga batang may sakit sa nasabing ospital.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng ospital kina Pratt at Evans sa kanilang kabaitan sa Twitter. Nag-post sila ng mga larawan ng dalawang bituin kasama ang mga kabataang pasyente, na binigyan din ng mga action figure ng dalawang superhero.

Bago ito, dumalaw si Evans sa Christopher’s Haven sa Boston noong Pebrero 6, kasama si Pratt na nakasuot ng kanyang Star-Lord costume mula sa pelikulang Guardians of the Galaxy.

Natalo si Pratt, isang Seattle Seahawks fan, sa kanyang #TwitterBowl bet kay New England fan Evans nang magwagi ang Patriots sa Super Bowl.

Bago ang laro, nagkasundo ang dalawa na kung sinuman ang matalo sa kailang pustahan ay dadalaw sa children’s hospital sa lungsod ng nagwaging team. Kalaunan, nagkasundo rin sila na dalawin na lamang ang parehong ospital sa Boston at Seattle.

Ang sinasabing Captain America ay isang fictional superhero character na nilikha ng mga American na sina Joe Simon at Jack Kirby.

Unang nakita si Captain America sa Captain America Comics #1 (Marso 1941) mula sa Timely Comics, ang nauna sa Marvel Comics. Dinisenyo bilang isang patrio-tikong super soldier na lu-maban kontra Axis powers noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Captain America ang naging pinakapopular na karakter ng Timely Comics noong panahon ng digmaan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *