Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-30 labas)

00 kuwentoNabuwal ang matandang lalaki sa tabi niya. Pero maagap nitong pinigilan ang isang binti niya. Sinikaran niya ito. At mabilisan siyang tumayo. Kinuha niya ang mga salaping papel sa kanyang shoulder bag at inihagis iyon sa matandang lalaki.

“Hindi ko na kailangan ang pera mo!” iyak niya sa mabilisang pagsusuot ng damit.

“Basta-basta mo na lang tatalikuran ang ating napagkasunduan?” bulyaw sa kanya ng galit na D.O.M. na inaalipin ng kamunduhan. “Hindi pwede ‘yan!”

Nagpuyos ang matinding galit sa dibdib ni Lily.

“Sige, ‘pag nagpumilit ka sa kahayukan mo, idedemanda kita… eeskandalohin ko ang pamilya mo!” talak niya sa pagtatagis ng mga ngipin.

Natulala ang matandang lalaki na malaki ang takot sa asawa at may kanya-kanyang pamilya na ang mga anak.

Halos isang linggong pinaglamayan ang labi ng Mommy Sally ni Lily. Nakiramay at nakipaglamay ang marami sa kanilang mga kapitbahay.

Mayroon pang mga nagpadala ng bulaklak at nag-abuloy sa kanila. Pero sa laki ng mga gastusin ng isang namata-yan ay naging problema nila ng kanyang Daddy Louie ang pambayad sa serbisyo ng punerarya at pagpapalibing sa yumaong ina.

Sa mga sandali ng pagdadalamhati ni Lily ay laging naroon sa kanyang tabi si Ross Rendez. Inilaan nito ang mga balikat sa kanyang pagluha.

Nagbukas-palad din ito sa pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa kanilang mag-ama. At maayos na naihatid sa huling hantungan ang pinakamamahal niyang ina.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …