Friday , January 3 2025

CIDG staff sa Sultan Kudarat kakasuhan (Sa pag-aresto sa DSWD at PRC staff)

121214 CIDG sultan kudaratKORONADAL CITY – Sasampahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-12) ng kaukulang kaso ang hepe ng CIDG-Sultan Kudarat na nagsagawa nang maling pag-aresto at pagkulong sa kanilang empleyado kasama ang empleyado ng Philippine Red Cross (PRC) habang nagsasagawa ng lecture sa 4Ps benificiaries sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Darlene Geturbos ng DSWD, balak nilang sampahan ng kaso si Insp. Christian Garcia, chief ng CIDG-Sultan Kudarat, dahil sa palpak at mali nilang operasyon sa pag-aresto at pagkulong ng mga tauhan ng DSWD at PRC na hindi man lamang beniripika kung ang mga hinuli nila ang totoong may mga kaso.

Isinalaysay ni Geturbos, nasa kalagitnaan sila ng pagbibigay ng orientation sa mga kasapi ng 4Ps nang bigla na lamang pumasok ang mga miyembro ng CIDG na wala man lamang dalang arrest warrant at hindi naka-uniporme.

Inaresto at pinosasan ang mga social worker ng DSWD at isang miyembro ng Philippine Red Cross at saka ipinasok sa sasakyan.

Bukod dito, kinuha ni Garcia ang isang drawer na naglalaman ng P500.

Ikinulong sila mula 10 a.m. hanggang 3 p.m.

Idinahilan ni Garcia, may natanggap silang text mula sa media na may reklamo laban sa mga hinuli nila ngunit nang tinanong ni Geturbos kung naberipika niya ito, hindi nakasagot ang hepe.

Humiling si Geturbos sa opisyal na mag-public apology na nakatakda sana noong Lunes, ngunit hindi sumipot si Garcia.

Dahil sa ginawa, sasampahan nila ng kasong grave abuse of authority at illegal detention sa NAPOLCOM si Garcia upang maturuan ng leksyon.

HNT

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *