Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, pinangunahan ang pagbubukas ng Ala Eh! Festival

073014 vilma santosAS expected, present na naman si Governor Vilma Santos, umaga pa lang, sa pagsisimula ng kanilang Ala Eh! Festival sa Batangas. Iyan ay sa kabila ng sinasabi sa kanya ng kanilang organizing committee na hindi naman siguro talaga kritikal na proyekto iyon at maaari na siyang mag-skip doon sa mga maaagang appearance dahil kaya na naman nila iyon. Alam naman nila kasi na kagagaling lang sa sakit ni Ate Vi. Pero ang gobernadora, sige pa rin dahil sinasabi niyang katungkulan niya iyon.

Kung minsan naman iyan ang problema ni Ate Vi eh. Talagang ganyan siya kahit na noong araw. Natatandaan namin, may mga pagkakataong sinabihan siya noon na huwag na siyang mag-opening number sa kanyang show dahil masama ang kanyang pakiramdam, pero siya ang nagpipilit na gawin iyon dahil alam niyang inaabangan iyon ng kanyang fans at ayaw niyang ma-disappoint sila.

Ganoon din naman ngayon. Ayaw niyang may ma-disappoint kung wala siya sa kanilang festival. Pero dapat isipin din muna niya ang kalusugan niya.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …