Thursday , June 4 2026

P.2-M patong sa ulo vs rapists gang in van sa Makati

111014 rapeNAG-ALOK ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng P200,000 reward money sa sino mang makapagtuturo sa mga suspek ng rape cases sa Magallanes Interchange sa Makati City.

Tatlo na ang nabiktima ng mga suspek na lulan ng van.

Kabilang dito ang 21-anyos estudyanteng naglalakad sa EDSA Magallanes na hinintuan ng van at hinila sa loob ng tatlong naka-bonnet na lalaki, pinasinghot ng kemikal mula sa panyo saka ginahasa at iniwan sa Malolos, Bulacan.

Habang Nobyembre 3 nang dukutin din ang 14-anyos estudyante sa Kalayaan Avenue, Makati City at hinalay ngunit nagawang makatakas nang huminto sa gas station ang van.

Na-gang rape rin ng mga suspek na naka-van ang isang 19-anyos transgender fashion student sa Magallanes Interchange at iniwang hubad sa Laguna.

Hindi pa matiyak ng Makati Police kung iisang van lamang ang nambiktima sa tatlo.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …