ni Roldan Castro
Ang inaapi noon na teleserye na Hawak Kamay na madali raw matatapos ay balitang extended dahil sa ganda ng istorya at taas ng ratings.
Hindi pa kinukompirma ng production kung hanggang Enero ito pero mas masaya para bongga ang Pasko ng buong cast at staff.
Nanguna ang Hawak Kamay sa lahat ng teleserye pagdating sa ratings noong September base sa datos ng Kantar Media.
Numero uno pa rin ang longest-running drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya dahil sa average national TV rating na 29.6%. Sinundan ito ng Hawak Kamay (28.7%), TV Patrol (28.2%), Wansapanataym (27.7%), Ikaw Lamang (27.5%), Home Sweetie Home (24.9%), Rated K (22.4%), Pure Love (22.3%), Mga Kwento Ni Marc Logan (21.3%), at Goin’ Bulilit (21.1%).