Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Junk foods bawal na sa Valenzuela

00 BANAT alvin

MAKABULUHAN ang ordinansang naipasa ni Valenzuela City 1st District Rovin Feliciano sa Sangguniang Panglungsod na nagbabawal sa pagtitinda ng mga junk foods sa loob at labas ng mga paaralan sa buong siyudad.

Sa pamamagitan kasi nito, makatitiyak na ang mga magulang mga mga estudyante na masusustansiyang pagkain ang makakain ng kanilang mga anak kahit na sila ay nasa paaralan.

Suportado rin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang ordinansang ito ni Konsehal Rovin dahil ayon nga sa alkalde, makabuluhan ang pagpapatupad nito upang mabantayan ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Ang sino man o alinmang paaralan na lalabag sa ordinansang ito ay maaaring mapatawan ng parusa at multa na hindi hihigit sa P5,000 kaya’t dapat lamang na makipagtulungan ang mga nagnenegosyo sa loob at labas ng mga paaralan upang hindi sila maperhuwisyo.

Labis din nagalak ang mga magulang ng mga estudyante sa Lungsod ng Valenzuela dahil kahit na malayo ang kanilang paningin sa kanilang mga anak ay matitiyak nila na puro masusustansiyang pagkain lamang ang makakain ng kanilang mga supling.

Nangako si Konsehal Rovin na patuloy siyang maghahain ng mga ordinansa sa Sangguniang Panglungsod na makatutulong sa pangangalaga sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral ng lungsod.

 

MUNTINLUPA TULOY ANG PAGSULONG

Hindi tumitigil ang administrasyon ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi upang lalo pang payabungin ang patuloy na pagsulong ng ekonomiya at kabuhayan ng kanyang pinamamahalaang lungsod.

Kamakailan ay lumagda ang lokal na pamahalaan ng memorandum of agreement sa Development Academy of the Philippines (DAP) para sa pagsulong ng Quality Management System (QMS)-ISO 9001:2008.

Sa pamamagitan ng ISO certification, maaaring makahikayat pa ng mas maraming negosyante ang lungsod at isa rin sa tinututukan ng administrasyon ni Fresnedi ang maayos na pamamahala sa pamamagitan ng quality management system.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa DAP, mas mapapadali ang pagkamit ng naturang lungsod sa adhikain nitong magkaroon ng world-class quality management system bilang isang instrumento ng mabilis na pag-asenso.

Magbibigay din ang DAP ng technical supervision sa pamamagitan ng trainings at seminars sa mga representante ng lokal na pamahalaan upang lalo pang mapaganda ang ibinibigay na serbisyo publiko.

Ang mga ganitong gawain ni Fresnedi ay isa lamang pagpapakita sa dedikasyon ng alkalde na matulungan ang kanyang pinamamahalaang lungsod na mapadali ang pagkamit sa tagumpay na minimithi ng mga residente, Mabuhay ka Mayor Fresnedi.

 

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …