Sunday , December 22 2024

Driving age

00 firing line robert roque

NABASA ko ang tungkol sa isang 74-anyos na lalaki na inatake sa puso habang nagmamaneho sa parking area ng isang mall sa Greenhills, San Juan nitong Agosto 15. Sumalpok ang kanyang kotse sa ilang sasak-yan, lumusot sa pader at diretsong bumulusok mula sa ikatlong palapag. Sa huli, mistulang patusok ang pagkaka-landing nito sa ibabaw ng ilang sasakyang nakaparada sa labas ng building.

Dahil sa aksidente ay napagmumuni nga-yon kung dapat na ba’ng magkaroon ng batas na magtatakda ng upper age limit sa pagmamaneho, gaya ng hindi pinapayagang humawak ng manibela ang mga edad 16 pababa.

Ang usapin sa age restriction ay nakabatay sa kakayahang gamitin sa publiko ang isang posibleng makamatay na bagay. Pero hayaan n’yo munang linawin ko na walang kinalaman sa edad ang pabara-barang pagmamaneho. Halimbawa, ang yumao ko’ng ama, sa edad na 63, ay ‘di hamak na mas mahusay sa manibela kumpara sa pinsan ko na 26-anyos noon.

Gayunman, totoo na sa pagtanda ng tao ay nanlalabo ang kanilang paningin, humihina ang pandinig, at bumabagal din ang kanilang reflexes. Ang iba ay nagkakaroon ng problemang pisikal at maging sa kaisipan, kabilang ang pagkakaroon ng “senior moments”, na posibleng makaapekto sa kakayahan nilang magmaneho.

Bagamat totoong hindi sabay-sabay ang pagde-deteriorate ng senses, alam naman natin na may partikular na edad na karaniwang nagsisimula na ang pagpalya ng paningin, pandinig, pagdedesisyon, reflexes, lakas at paggalaw ng mga senior citizen.

Para sa akin, hindi tamang limitahan ng Land Transportation Office (LTO) ang edad sa pagmamaneho. Maituturing na deskriminasyon ang pagkumpiska sa lisensiya ng isang tao dahil lang matanda na siya.

Mas mainam siguro kung magtatakda na lang ng “trigger age”, halimbawa ay 65 (ang compulsary retirement age sa bansa), na mag-oobliga sa may ari ng lisensiya na sumailalim taun-taon sa serye ng masusing medical at proficiency examinations upang matukoy ang kanyang “road worthiness”.

Siyempre, dapat na may batas din na mag-oobliga sa mga may lisensiya na ipaalam sa LTO kung may sakit siya o nagkaroon ng disability na makaaapekto sa kakayahan niyang magmaneho.

Hindi naman dahil lang sa nasabing mga kondisyon ay awtomatiko nang babawiin ang lisensiya ng isang tao dahil may mga problemang pangkalusugan na pansamantala lang, at puwedeng magtakda na lang ng license restrictions.

Gayunman, ang nasabing mga restriction ay itatakda ng LTO o ng insurance company, na maaaring maglimita lang sa oras ng pagmamaneho ng matatanda o ang distansiyang puwede nilang lakbayin mula sa bahay.

Kapag wala na, o kontrolado na, ang problemang pangkalusugan ng driver, ibabalik na sa regular ang status ng lisensiya kapag naipasa niya ang mga medical at/o driving test.

Inirerespeto ko ang matatanda pero maha-lagang maunawaan nila na ang pagmamaneho nila para sa sarili ay nakakaapekto rin sa ibang tao.

***

Kasabay nito, mapapahusay pa ang kakayahang magmaneho ng mga tao, kapwa ang young ones at ang young once, kung oobligahin ng LTO sa re-test ang mga paulit-ulit na nagpapasaway kapag naabot na ng mga ito ang partikular na bilang ng traffic violations.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *