Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Boy, susundan din ang yapak ni Gov. Vi sa governance at public service

ni Ronnie Carrasco III

KAPIPIRMA lang ni Boy Abunda ng two-year guaranteed contract sa ABS-CBN, which would expire in 2016, of course.

Sa ngayon, tatlo ang existing shows ng King of Talk: his nightly Aquino and Abunda, his Saturday night program na The Bottomline at ang Buzz ng Bayan tuwing Sunday.

We can just imagine kung paanong milagrong napaglalaanan ni Kuya Boy ang tatlong programang ito with equal dedication, gayong there are also days in a week when there arise intervening interviews in his Sunday show.

Bukod pa ito sa napakaraming preoccupations ni Kuya Boy bilang: a.) resource person sa mga speaking engagement; b.) endorser ng mga patalastas; c.) consultant ng mga premyadong showbiz personalities; at  d.) pribadong indibidwal that he’s also supposed to be.

And by private, we mean the Boy Abunda na wala sa harap ng kamera who simply deserves to be himself.

Tamang-tama ang inilatag na ring time table ng ABS-CBN para kay Kuya Boy with respect to the expiration of his contract.

Year 2016 ang susunod na much-anticipated period in the electoral calendar.

This writer takes pride in engaging casual conversations with Kuya Boy sa kanyang mga hakbang sa hinaharap sa larangan ng paglilingkod sa bayan. Neither a Senatorial nor a Congressional seat ang kanyang nais sungkitin, confidently saying: ”Madali lang gumawa ng batas.”

Having seen the face of his native Eastern Samar through the years, mas prioridad ni Kuya Boy na mamuno sa mga bayan na sakop nito para matugunan ang mga problemang kinakaharap ng kanyang mga kapwa Waray.

And if we may commit a “crime of betrayal” sa pribadong tsikahan namin ni Kuya Boy, nais niyang sundan ang mga yapak ni Batangas Governor Vilma Santos-Rectowhose commitment to public service and governance are way beyond question.

Ikaw na, Kuya Boy!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …