Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas ngayong linggo, bilang bahagi ng patuloy nitong pangako na gabayan ang mga manonood na Filipino tungo sa responsableng panonood.

Ang Japanese animated film na “Crayon Shinchan The Movie: Super Hot! The Spicy Kasukabe Dancers” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) para sa edad 12 anyos at pababa kung may kasamang magulang o tagabantay. Tampok sa pelikula ang mga eksenang komedya at mga kilos na mas mainam mapanood ng mga batang kasama ang nakatatanda.

Limang pelikula ang rated R-13 (Restricted–13) para sa mga edad 13 anyos pataas dahil sa tema, wika, karahasan at mga nakatatakot na eksena na hindi angkop sa batang manonood.

Ang American horror na “Send Help” (R-13) ay tungkol sa isang empleyado at kanyang boss na parehong stranded sa isang isla.

Rated R-13 din ang “Mercy,” isang American science fiction action-thriller sa isang modernong Los Angeles na ang korte ay gumagamit ng AI (Artificial Intelligence) bilang hukom sa mararahas na krimen.

Ang zombie horror na “We Bury the Dead” (R-13) ay nakasentro sa desperadong paghahanap ng isang babae sa kanyang nawawalang asawa at sa kanyang paglalakbay habang hinaharap ang zombie.

Ang Thai supernatural horror film na “Death Whisperer 3” (kilala rin bilang “Tee Yod 3”) ay tungkol sa Black Spirit at pagkamuhi sa sangkatauhan.

Kuwento naman ng British drama na “The Thing with Feathers” (R-13) ang pagpapalaki ng nabiyudong ama sa kanyang dalawang batang anak.

Ipinaaalala ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto sa mga magulang at manonood ang pagpapahalaga sa pagsunod sa mga klasipikasyon ng pelikula.

                “Ang mga movie rating ay gabay ng magulang sa tamang pagpili ng pelikulang panonoorin ng kanilang mga anak,” sabi ni Sotto. “Hinihikayat namin na tiyakin lagi ang angkop na palabas base sa edad para sa proteksiyon ng mga kabataan.” (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …