MATABIL
ni John Fontanilla
THANKFUL ang singer and actress na si Miles Poblete sa Dragon Productions nina Bambbi Fuentesat Tine Areola dahil isinama siya sa advocacy film na Mantsa sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Kakaiba ang role na gagampanan ni Myles dahil kontrabida siya.
“Ang role ko rito, ako si Patricia asawa ni Miguel na gagampanan ni Dino Guevarra.
“Ito ay medyo challenging role sa akin, dahil nasa hindi kabaitan ‘yung role ko dahil maldita ako this time,” kuwento ni Myles.
Dagdag pa nito, “Alam mo ba, I prayed for this, ‘yung character na ganito, because ‘yung mga role na na offer sa akin parati mabait na nanay. But right now sobrang maldita ako sa bida.”
At ang iniidolo nito pagdating sa pagkokontrabida ay ang gaganap na nanay niya sa pelikula at isa sa tinitingalang aktres sa showbiz, si Ms. Pilar Pilapil.
Kaya naman sobrang saya nito at super excited na makatrabaho ang kanyang idolo.
Bukod kay Ms Pilar ay makakasama ni Myles sina Gelli De Belen, Dino Guevarra, Snooky Serna, LA Santos, Lloyd Samartino, Bo Bautista, Khai Flores, Shira Tweg, Than Perez, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto atbp..
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com