I-FLEX
ni Jun Nardo
BACK to work and back to Parish Fashion Week si Heart Evangelista, huh!
But this time, with a plot twist.
Naglabasan na ang pictures ni Heart sa PFW and this time, kasama niya ang kanyang Momnager na si Cecilia Ongpauco.
Fashionista rin ang momnager ni Heart na kitang-kita sa porma nito sa pics na inilabas ni Heart sa kanyang Facebook.
Ayon sa caption sa FB ng GMA Network, ginaya ng mag-ina ang isang classic scene sa pelikulang The Devil Wears Prada 2 sa elevator.
Excited ang fans at netizens sa pagbabalik ni Heart sa mundo ng fashion after the holidays.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com